Ruining Friendship (Part 2)
Hinayaan ko nalang yung pamaypay sa kaniya since hindi ko rin naman gagamitin that time. Then few minutes after, tumayo ako js to throw some pieces of paper sa basurahan na asa labas na malapit sa pwesto nilang mga boys. I took the chance na sabihin kay Bee na sa akin yung pamaypay, sabi niya pahiram muna raw so hindi ko na muna kinuha.
That was our very first interaction hanggang lagi na siyang nanghihiram ng pamaypay, minsan kinukuha nalang niya sa table ko. Though we never really spoke through those days, the fan was the only way we could interact.
Then one night sa gc, while nagbibiruan ang section(medyo comfortable na ako sa kanila), nagreply ako sa random bardagulan chats ng friend ko sa gc then biglang nag reply si Bee. Ayun, nag biruan na kami sa gc, very tsundere nga ang datingan ko non. Kasi talagang palagi akong parang may kaaway kapag chinachat kahit natatawa naman ako sa sinasabi niya.
After that, he told a friend na isend sa akin tiktok niya(basically Bee messaged a classmate of ours na friend ko para isend sa akin yung tiktok niya, pero LT nga eh kasi sa gc sinend nung friend ko)
Credibility
Comments